Sabado, Mayo 10, 2014

Ang Mahiwagang Babae sa kanto ng Blumentritt


Komosta mga kapusong bato dyan..medyo late lang itong Blogs ko papano ba kasi low tech pa rin ako hangang ngayon..wala akong high-tech gagdget na pwede mag-blogs kahit saan sa eskinita ng Pinas...ehe may eskinita ba sa Pinas ?? syempre meron..

Random lang ito mga ka Bato dyan...just few days ago pumunta ako sa Valenzuela City Metro Manila ..paki ko sayo ?? hehehe OO nga ano ??? kwentotan lang naman 'to sa naging karanasan ko papunta dun ..medyo maaga pa ako bumiyahe  para ewas trapik...mula  Dapitan nilakad ko hangang Blumentritt Espana..medyo malayo-layo din pero  maaga pa kasi kaya cool akong naglalakad....pagdting ko sa Blumentritt may lumapit sa akin na matanda sabay abot ng kamay palimos pooo kahit pambili lang po ng kanin..nilampasan ko,pero parang naantig ang pusong bato ko....kunwari bumalik ako at sinipat ko ulit yong matanda na naka-upo ulit sa gilid ng saradong tindahan..tumayo ako at pinakiramdam ko kung tatayo siya ulit at magpalimus..hindi ako nagkamali nanghingi siya ulit....sabi ko sa kanya Lola...bakit po kayo namalimus ??? sagot niya sa akin wala na akong kapamilya eneng,hindi ko na alam kung nasaan na sila....soooo para naman hindi na magtatagal ang usapan namin dumukot ako sa gilid ng Bag ko at inabutan ko ng 5 peso....sabi niya ito lang ??? tumaas pa ang boses ng matanda.at tumaas din bigla ang dugo.sabi ko sa kanya dapat pa nga kayong magpasalamat sa akin eh.reklamo pa kayo..yong bituka ko nga kape lang ang laman..pambihira kayo....akin na nga yang 5 peso  ko ibalik mo at ako na ang bibili sayo ng kanin para sayo..kinuha ko yong pera at naghanap ako ng carenderia at sa di kalayuan meron akong natatanaw...bumili agad ako ng kanin at menudo at binalikan ko siya..nakangiti siya pagbalik ko at ang sabi sa akin napakabait mo  sa akin anak maraming salamat sa pagkain at pagpalain ka ng Dios..sabi ko naman sige Lola samalat at  kumain kana at malayo pa ang pupuntahan ko at di ko nga alam kung saan ako sasakay papunta dun sa Valenzuela...sabi niya sa akin mag- SUV na daw ako at bababa sa may SM north Edsa at doon daw ako ulit magtanong kung saan ako sasakay  papuntang Valenzuela...sabi nia umakyat ka dyan sa over pass anak para safe kang makatawid,huwag na huwag kang makipagpatimtero sa kalsada na yan marami ng namatay dyan..hindi ko alam kung bakit nakipag kwentuhan pa ako sa kanya saglit hangang nagdecise na akong aalis mag-alas 7 na nang umaga.....tumalikod na ako at tinawag niya ulit ako...sabi niya anak kunin mo 'to gabay ito sayo......isang ribbon na pula na may sukat na 12 feet...aanhin ko naman yan Lola ??? baka may kung ano yan ha ! sabay ngiti ko.tumawa din siya..sabi niya ikaw lang ang tao na nakapagbigay saya sa akin ng tuwa at saya  mula ng tumambay ako dito..at ikaw lang ang taong nag aksaya ng ilang minuto sa akin kaya akoy natutuwa hangang langit..at sa bawat pupuntahan mo at sa bawat problema mong haharapin ay kaya mong malusutan..sabi ko sa sarili ko..(Utot mo..kung ano ano sinasabi mo sa akin nambobola kapa kanina nagrereklamo ka sa 5 peso Sus nalang )....pero sa halip nagpapasalamat pa rin ako at sabi niya sa akin...wag kang pilosopo anak..nababasa ko sa isip mo kung ano ang nasa puso mo....hehehe sabi ko lang sa kanya at sabay lakad na parang lumulutang sa hangin bitbit ko ang ribbon na pula....Habang naglalakad ako patawid ng over pass nilingon ko ulit  siya biglang nawala..sabi ko sa sarili ko,ano kaya yon ?? may kung anong pwersang bumalik ako sa baba at hinanap ko siya wala na....may bata na nagkalkal ng basura tinanong ko kung nakita niya yong matandang babae na kumakain sa tabi  ng saradong tindahan sabi ng bata wala namang ibang tao dito Ale kasi dito ako natutulog gabi-gabi..nangilabot ako at sinipat ko yong pulang ribbon lalong kumintab at naka-amoy ako ng mabangong bulaklak..nnggiiiyaaaaa ano kaya yon ???

Nagmamadali ulit akong umakyat sa over pass walang lingon likod at nag-aabangan ng SUV..nakasakay agad ako at sa awa ng Dios hinatid pa ako ng SUV driver doon sa may bukana ng sakayan ng papuntang Valenzuela at nagkataon na ako nalang ang sakay na pasahero...nakasakay din agad ako ng Bus papuntang Valenszuela at medyo may tao na din sa opisina na dapt kung puntahan at nag-antay lang ako ng ilang sandali at ako na ang tinawag...pagkatapos ng isang oras at kalahati,natapos din ang transaction ko sa LCR Valenzuela...

Pauwi na ako pabalik sa Dapitan,mula sa opisina ng LCR  Valenzuela medyo kumalam na yong sikmura ko papaano ba kasi hindi talaga ako makakain sa umaga basta may kape at Yosi kadiri ayos na,,,at meron naman karenderia sa pagbaba sa tabi ng highway kumain muna ako at nagtataka ako bakit nag-iisa lang ang menu nila : menudo: ??? hindi pa daw kasi luto lahat at maaga pa as in 10:30 nga ng umaga..weeee sabi ko sa sarili ko.....wag nalang kaya akong kumain mag-kendi nalang kaya ako..pero gutom na talaga ako kaya sabi ko isang kanin at isang ( Meee.....menudo).... ulam at isang bottled water....hmmm bakit napilipit ang dila ko ??? bakit ako nag-English ??? sagot ng babae naku pooo wala po kaming ganun dito..sagot ko naman ang alin ??? yong buttered corn na sinsabi nyo ??? ayyy hindi po buttered corn ang sabi ko,,,,botteled water sabi ko,,ayyy hinampak na babaeng iri iba ang pandinig..papaano ba naging buttered corn ang bottled water ??? hehehe sabi ko nalang sabay salampak sa medyo masamasa pang lamesa at medyo kadiri din pero wala akong choice ehhh gutomm na si ako.....

susubo na sana ako ng kanin ng bigla akong mapalingon sa bandang kanan,muntik ko nang mabitawan yong kutsara at nanlaki yong mata ko..nandoon na naman yong matandang binigyan ko ng kanin sa Blumentritt,sabi koo Oyyy Lola..nandito na kayo agad ?? sinusundan nyo po ako ??? hindi siya sumagot at sa halip tinapik nya  lang ang balikat ko at ang sabi niya lang sa akin salamat ulit ng marami ening tapos na ang misyon ko sa mundong ito..ipagpatuloy mo ang magandang gawain at wag kang pilosopo.magtatanong pa sana ulit ako wala siya ng magsalita ulit ako....hayy sayang !!! sino kaya ang Mahiwang Babaing yon sa Blumentritt ??? yong pulang laso O ribbon nandito pa rin sa a kin at sana magpakita ulit siya sa akin..at nakauwi na  rin pla ako sa probinsya ng La Union pero palaisipan ko parin yong matandang yon....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento